Balay Bagnet sa Maginhawa St.
- Group 2
- Feb 8, 2018
- 3 min read
Updated: Feb 19, 2018
So ayun nga po no, nagpunta kami ng 150 Food Place, Teachers Village, Quezon City.


Then napili naming kainan ung Balay Bagnet kasi siyempre Pinoy tayo, mahihilig sa rice, tsaka pinili din namin yon dahil may second floor. Nung nagbabasa kami ng enu sabe nung babae na don nagtatrabaho "Maam/Sir try niyo po dto masarap po ung Bagnet namin" hahaha okey oorder kami.
Medyo dumidilim na, nakaorder na, planado na lahat ng ififilm namin don habang kumakain, mga excited na sa inorder kasi malaki ung order na bagnet tsaka mga gutom na din. 500+ ung inorder namin


(ung nasa box na blue)
Bagnet Slab yan! malaki yan ! kahit isearch pa kay manong Google hahahaha
bukas na ung mga ilaw kaya lalo na kaming naexcite then dinala ni ateng waitress ung mga malalaking kanin

Syempre sa kanin na yon nag eexpect kami lalo na mukang malaki at madami yung serving ng BAGNET SLAB hahaha. Promise ung nasa picture nung bagnet slab anlaki hahaha. Sawakas! dumating na ung order namin hahaha, tas ung babae na nag serve napaka confident pa na sinerve samin ung order. Pagkaalis niya napatingin nalang kami sa order namin...

500+ na ba yan?
yan ba talaga ung order namin?
apaka liit ah?
well halo halong thoughts, at ayon nagreklamo sila sa counter at ang sinabe sa kanila na ganon daw talaga yon.
Grabe ha ? dinaig pa ung chooks haha
so eto pa ung ibang opinion nila:
" Masarap kumain dahil maganda ang ambiance. Ang kaso lang di siya worth kainan para sa mga nag titipid. Lalo na sa balay bagnet ng 150 maginhawa food park. di namin ini-expect na ganon ang dadatnan naming pagkain."-Kim Bicodo
"dumayo kami sa maginhawa street para matikman ang kanilang mga putahe. at yun na nga napunta kami sa foodpark at napili namin yung bagnet chuchu yung pang grupo. sa una kala ko sulit. kasi sa picture malaki tas pang grupo pa. yun pala madidismaya lang kami. kasi yung pang grupo parang pang dalawang tao lang. ok na sana kaya lang pinatayan pa kami ng ilaw. sa sobrang dismaya namin pumunta nalang kami ng sm north para ipagpatuloy ang aming blog."-Sophia Andres
"Pumunta ang aming mga kagrupo sa 150 maginhawa food park dun namen napagplanuhan na mag blog . Masarap naman kumain dahil maganda naman yung ambiance nila . Kaso lang hindi siya worth it sa katulad namen na grupo o sa kahit sa ibang grupo na pupunta dun . Lalo na yung sa balay bagnet na aming kinainan . Yung sinsabi nyong Expectation vs Reality dun mo mapapatunayan hindi kame nag expect na ganon yung pagkain na sinasabe nilang best seller "daw" nila dahil sobrang nakakadismaya lalo na yung pag patay nila ng ilaw habang kumakaen kame." -Lucenda Halasan
MUST WATCH THIS VIDEO :)
Ung tipong kami na nga nagtiis sa kakapiranggot nilang serving, kami pa ung pinatayan ng ilaw hahaha, ganyan na ba tamang pag trato nila sa customers nila? tinanggap na nga namin ung fact na maliit serving nila pero ung pinatayan nila kami ng ilaw is WOW!
Tinanggap na din namin ung fact na namali sila ng serving namin at kami pa talo sa reklamo tapos ganon gagawin nila samin? sila na nga tong kumita tapos gaganunin nila kami?
Hindi naman kami guawa ng eksena sa kanila para ganunin nila kami haha hindi porkit mga bata pa kami ganon na gagawin nila samin, nag bayad kami sa presyong siningil nila una palang sa counter nila tapos ganon ? hahaha
Siguro ung kutsara at tinidor nila ung mahal don kasi nabebend at di napuputol kahit gawa lang siya sa plastik hahaha
So ayon po no, after ng mahabang kabadtripan nag Sm north nalang kami at naghanap ng maayos ayos at sulit na kakainin haha

akala ko kami lang may negative reviews sa kanila pero nakakita ako ng site na nagreview sa kanila, must check guys.
Nag review lang kami based sa aming karanasan at un ung opinion namin :)
by:
Marjolleen Halili
Sophia Andres
Lucenda Halasan
Almaika Pajota
Ken Mateo
Razcel De Jesus
Kim Bicodo
Paul Calderon
Bairu Molino
Comments